Wednesday, September 30, 2009

This Is It

God,

Minsan-minsan lang ako humihiling sa iyo. Pati nga yung mga importanteng mga bagay (lovelife) kinakalimutan ko nang hilingin. Simply because I know how blessed I am with what you've already given me. Gusto ko sana yung mga hiling ng mga ibang tao na lang ang pagtuunan ninyo ng pansin. Opo, as usual, mas may alam ako kesa sa inyo. ;P

So kapag nagbablog ako about my prayers, you know that I truly need your help. Kumbaga, gusto ko malinaw na maisabi sa iyo kung ano man ang hiling ko. Alam mo naman na ang layunin ko sa buhay ay hindi yumaman pero ang maging maligaya sa aking tinatahak na landas (Wow, heavy itong Tagalog ko.). Usually, ang ibig sabihin nito ay maging maligaya ako sa aking karera. Sa isip ko, alam ko kung ano ang gusto kong maging pero palaging walang oportunidad para magawa ito.

Kahapon, nagsubmit ako ng application para sa isang trabaho sa Korea. Sana po ay tulungan ninyo ako na mapasaakin yung trabaho. Katulad ng drama ko nung 2005/2006, this job fits the bill: the location is perfect, the salary is enough, I'll be able to use my skills, I'm interested in what I'll be doing, and I'll be in a safe place so the parents won't be worrying. Just like what MJ said, "This is it."

God, sige na po, tulong naman diyan. Seryoso ako dito. Since May, when did you find me spending two days perfecting a cover letter and resume? Exactly. My heart skipped a beat not once, but twice when I saw the job posting. I really want this. Please help me get this job.

Thanks for listening...

No comments:

Post a Comment